YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 28, 2014

Lalaking Australian national, nabiktima ng snatching sa Boracay; Suspek, binugbog

Posted May 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Bugbog sarado ang inabot ng isang lalaki matapos na mahuli sa aktong pangdidikwat ng gamit at pera ng lalaking Australian national sa Boracay.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang suspek na si Glenn Paul Dalisay, 24 anyos ng So. Angol, Brgy. Manoc-manoc Boracay habang kinilala naman ang australianong si Daniel Kuba, 47 anyos.

Ayon sa imbestigasyon, mag-aala singko kahapon ng hapon habang nakahiga ang turista sa beach bed ng isang resort sa Station 1 Balabag Boracay nang dinikwat ng suspek ang kanyang bag na naglalaman ng isang libong piso, isang cellphone at digital camera saka itinakbo.

Kaagad namang nakita ng mga residente doon ang pangyayari kung saan nagsisigaw umano ang mga ito na magnanakaw ang nasabing lalaki.

Samantala, nang marinig ng isang myembro ng Malay Auxiliary Police (MAP) ay nangyayaring komosyon ay tumungo ito upang rumesponde sa lugar.

Sinabi umano ng MAP member na huwag nang saktan ang suspek sa halip ay aarestuhin nya ito subalit walang karason-rason ay sinuntok din umano sya ng suspek.

Nang magsidatingan na ang mga pulis, ay doon na naayos ang gulo sa lugar kung saan matapos ang medical examination ay kasalukuyang nasa kustodiya ngayon ng Boracay PNP Station ang nasabing suspetsado.

No comments:

Post a Comment