YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 06, 2014

Mga event organizers at establishments sa Boracay, dapat maging concern din ayon sa LGU Malay

Posted May 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dapat maging concern din ang mga event organizers at establishments sa Boracay.

Ito ang panawagan ni Island Administrator Glenn SacapaƱo kaugnay sa mga ipinapatupad na ordinansa sa isla partikular ang “no smoking by the beach” at “anti-littering”.

Kasabay ito sa pag-amin ng lokal na pamahalaan ng Malay na may kapabayaan din sila kung bakit nagkalat ang mga basura sa dalampasigan dulot ng mga events nitong nakaraang weekend.

Magkaganon paman, tiniyak din ng administrador na hindi na mauulit ang nangyari.

Samantala, bagama't aminado si SacapaƱo na malaking tulong ang mga events lalo pa't turismo ang ibinebenta o mina-market sa isla, nagpaalala din ito na kanilang didisiplinahin ang mga pasaway.

No comments:

Post a Comment