YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 21, 2014

Municipal Planning Office ng Malay, nanawagan ng suporta para sa CLUP 2022

Posted May 21, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nanawagan ngayon ng suporta para sa CLUP 2022 ang Municipal Planning Office ng Malay.

Sa ginanap na Public Hearing kaugnay sa Revised Zoning Ordinance ng Malay kaninang umaga, sinabi ni Municipal Planning Officer Alma Beliherdo, na nasa kamay parin ng bawat Malaynon, lalo na ng mga barangay at municipal leaders, ang susi upang maisakatuparan ang mga nilalaman ng 10 year-CLUP o Comprehensive Land Use Plan para sa Malay at Boracay.

Mananatili lang umano kasing plano ang CLUP kung hindi nila ito susuportahan.

Samantala, nilinaw naman ni Beliherdo na walang nabago sa mga nilalaman ng nasabing ordinansa.

Nabatid na muling nagpatawag ng public hearing ang konseho ng Malay upang muli mapag-aralan Zoning Ordinance, matapos ang dalawang public hearing nitong nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment