YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 20, 2014

Public Hearing para sa Revised Zoning Ordinance ng Malay, ilalarga bukas

Posted May 20, 2014 as of 6:00pm
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang Public Hearing para sa Revised Zoning Ordinance ng Malay ang ilalarga bukas ng umaga.

Ayon kay Secretary to the Sangguniang Bayan Concordia Alcantara, mapapag-uusapan din bukas sa public hearing ang estado ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng Malay.

Dadaluhan naman ng mga taga BFI o Boracay Foundation Incorporated, Boracay Chamber of Commerce and Industry (BCCI), at mga barangay captains ng Malay ang nasabing public hearing.

Magugunita namang halos mag-iisang taon narin ang nakalipas nang maisumite ng SB Malay sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan, partikular sa Provincial Land Use Committee ang nilalaman ng CLUP.

No comments:

Post a Comment