YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 29, 2014

Security plan ng pulis sa Aklan para sa pagbubukas ng klase, kasado na

Posted May 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kasado na ang ginagawang paghahanda ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 2.

Ayon kay APPO Public Information Officer P03 Nida Gregas, naglunsad sila ng “Oplan Balik Eskwela” kung saan may inilagay silang Police Assistance Desk sa bawat paaralan sa probinsya kabilang na ang paglalagay ng patrol system at police visibility sa mga kalsada.

Sinabi pa nito na naglatag na rin sila ng checkpoints sa mga pangunahing kalsadahin sa probinsya bilang bahagi ng pagbubukas ng klase ngayong Lunes.

Aniya parte na rin umano ng “Oplan Balik Eskwela” ang crime prevention dahil sa inaasahang paglabasan ng mga street crimes.

Dagdag pa ni Gregas sasabay sa flag raising ceremony ang mga pulis hanggang sa magbukas rin ng klase ang mga private schools sa Hunyo-9.

Samantala, nagpaalala pa ang APPO na maging vigilante sa lahat ng oras upang makaiwas sa anumang piligro ngayong pasukan.

No comments:

Post a Comment