YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 13, 2014

SUV sa Kalibo, Aklan, sinalpok ng Patrol Car ng Numancia PNP

Posted May 13, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang Sport Utility Vehicle (SUV) ang sinalpok ng patrol car ng Numancia PNP sa bayan ng Kalibo nitong Linggo.

Ayon kay S/Insp. Bernard Ufano ng Numancia PNP, galing sa pagresponde sa isang insidente ng pagkalunod sa Navitas, Numancia, Aklan ang patrol bago nito aksidenteng nabangga ang SUV na minamaneho ng isang Engineer Joaquin Templonuevo.

Ayon kay Ufano, nasa intersection na ng Roxas Avenue ang patrol upang ihatid sa ospital ang mga nalunod sa Numancia, nang nagkrus sa kanilang linya ang SUV.

Resulta, nabangga nito ang panghuling kanang gulong ng SUV, kung kaya’t umikot ito ng dalawang beses, at tumilapon.

Ang masaklap pa, tumilapon din mula sa SUV ang biyenan ni engineer na binawian ng buhay kinalaunan sa ospital.

Samantala, kinilala naman ni PO2 Emel Milliondaga ng Kalibo PNP Traffic Section ang nasawing biktima na si Amalia AscaƱo.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa provincial hospital si engineer at ang asawa nito matapos ang insidente. 

No comments:

Post a Comment