YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, June 26, 2014

2 aktibong riffle grenade, nakita sa likod ng isang resort sa Boracay

Posted June 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinagulat ng dalawang construction worker sa Boracay na ang kanila palang nahukay ay dalawang riffle grenade sa likod ng isang resort sa Balabag Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, kaagad na nirespondehan ng 215th EOD Team ng Philippine Army ang lugar matapos makatanggap ng tawag mula sa isang staff doon.

Lumalabas sa pagsisiyasat  na alas dos kahapon ng hapon, habang naghuhukay ang dalawang stay in construction worker sa lugar gamit ang pala nang aksidenteng matamaan ang isang thermos.

Nang tingnan umano nila ang thermos ay mayroong nakalagay sa loob na nakabalot ng papel, saka nalamang riffle grenade pala ang mga ito.

Samantala, base naman sa isinagawang pagsusuri ng 215th EOD Team, aktibo pa ang dalawang explosive device at sa kustodiya nila ngayon para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment