YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 23, 2014

2015 APEC Malay Task Group at APEC-NOC Ocular team magsasama sa isang Dinner Conference

Posted June 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Magsasama sa isang Dinner Conference ang 2015 APEC Malay Task Group at APEC-NOC Ocular Team mamayang gabi.

Ito’y bilang paghahanda para sa nalalapit na ocular inspection ng APEC-NOC.

Nabatid na ang isla ng Boracay ay kinilala bilang isang sites para sa APEC meetings, kung saan isa dito ay meeting ng Ministers Responsible for Trade (MRT), kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) bilang lead agency.

Ngayong araw naman hanggang bukas ay magkakaroon ng ocular inspections sa isla ng Boracay ang DTI na kinabibilangan din ng ODG para mag-inspeksyon sa hotel venues, airport facilities at iba pang posibleng sites na maaaring gamitin para sa pag host ng Pilipinas sa APEC 2015, kasama ang DTI Team.

Samantala, ang nasabing grupo ay pangungunahan ni Ambasasador Ma. Angelina M. Sta. Catalina, Deputy Director for Conference Management & Services kasama ang ibang Heads ng working committee at ang management ng lahat ng APEC Meeting.

No comments:

Post a Comment