YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 18, 2014

Babaeng naaksidente sa manhole kaninang umaga, pinayuhang sulatan si Administrator Glenn Sacapaño

Posted June 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Pinayuhan kanina ang babaeng naaksidente sa manhole na sulatan si Administrator Glenn Sacapaño upang maaksyunan ang kanyang reklamo.

Idinulog kasi nito kanina sa Balabag Action Center ang kanyang sinapit kung saan kinausap naman ito ni BRTF Technical Head Engineer Arnold Solano.

Ayon naman kay Solano, bahagi parin ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ang nasabing manhole at hindi sa LGU Malay.

Hindi parin umano kasi naitu-turn over sa kanila ng TIEZA ang nasabing proyekto kung kaya’t hindi rin nila ito maaaring galawin.

Magkaganon paman, sinabi din ni Solano na kanilang tututukan ang mga problemang manhole dito upang hindi na maulit ang nangyaring aksidente.

Nabatid na may hawak naring medical certificate ang biktimang si Jenelyn matapos itong maaksidente sa manhole sa Manggayad, Manoc-manoc Boracay kaninang umaga.

Aminado itong hindi nito nakita ang sirang manhole dahil sa baha at wala rin umano itong warning signage.

No comments:

Post a Comment