YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 04, 2014

Babaeng nagnakaw ng pera sa isang spa sa Boracay, timbog dahil sa CCTV

Posted June 4, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Timbog dahil sa CCTV ang isang babaeng nagnakaw ng pera sa isang spa sa Boracay.

Ayon sa report ng BTAC, bandang alas syete kagabi nang makita ng mismong may-ari ng spa na nag-uusap ang inakala niyang magkakilala nilang spa manager at ang suspek sa reception area.

Subali’t bandang alas onse din kagabi nang tumawag ang nasabing manager at nagsumbong na nawawala ang kanilang perang nagkakahalaga ng 100 US Dollars.

Dahil dito, sinuri ang CCTV footage at doon nakita ang nasabing babae na kinuha ang pera sa reception table.

Kaugnay nito, kaagad nagsumbong sa mga pulis ang may-ari ng spa kung saan isang manhunt operation ang ikinasa, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si   Maricar Kojima ng So. Bolabog Balabag Boracay.

Samantala, kasaluyan namang nasa kustodiya ng BTAC ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment