YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 04, 2014

Climate Change Adoption and Management Plan ng MDRRMC, aprobado na sa SB Malay

Posted June 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Aprobado na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang Climate Change Adoption and Management Plan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council.

Ito’y matapos na tinalakay kahapon sa SB Session ng Malay ang nasabing usapin kung saan aprobado rin ito ng buong konseho.

Ayon naman kay SB Rowen Aguirre, layunin umano nito na mapabuti ang excessive practices sa pamamagitan ng maayos na pakikipagtulungan sa bawat departamento at sa mga lokal na ehikutibo ng bawat baranggay.

Samantala, ang Ten Year Municipal Disaster Risk Reduction Climate Change Adaptation and Management Plan para sa taong 2013-2023 ng Municipality ng Malay ay ang resolusyong ipinasa ni mayor John P. Yap.

Sa ngayon ibat-ibang plano na rin ang ikinakasa ng LGU Malay tungkol dito na inaasahan namang magiging maganda ang resulta at susundin ng lahat ng mga mamamayan.

Nabatid na ang Adoption and Management Plan ay kasalukuyan na ring isinasagawa ngayon sa ibat-ibang lugar sa bansa.

No comments:

Post a Comment