YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 02, 2014

Dalawang lalaki, timbog sa buy-bust operation kagabi, anim na sachet ng shabu at baril, narekober

Posted June 2, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Patuloy ng kampanya ng mga kapulisan laban sa ipinagbabawal na droga partikular sa isla ng Boracay.

Katunayan, isang matagumpay na buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Boracay PNP Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group at Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group ang nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang lalaki sa Sitio Tulubhan, Barangay Manoc-manoc kagabi.

Nakilala sa report ng Boracay PNP ang mga suspek na sina Kenneth Edusma, 22 anyos ng Roxas City, at kasalukuyang residente ng nabanggit na barangay.

Narekober mula kay Edusma ang anim na plastic sachet ng suspected shabu, ilang marked money, at isang cell phone at sim card nito.

Samantala, naaresto naman sa lugar ng buy bust operation ang kasama ng suspek na si Rodel Catapang, 22 anyos ng Santo Tomas, Batangas, matapos umano itong mahulihan ng isang baril na revolver na kargado ng limang bala.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa R.A 9165 dahil sa pagbibenta ng ipinagbabawal na droga at illegal possession of fire arms ang ammunitions ang mga suspek.

No comments:

Post a Comment