YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 11, 2014

Evaluation ng Regional Assessment Team sa LGU Malay, nagpapatuloy parin

Posted June 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagpapatuloy sa ikalawang araw ang isinasagawang evaluation ng Regional Assessment Team o RAT sa LGU Malay.

Ito’y sa pangunguna ni PINSP Ricky Bontogon ng Regional PNP, Professor John Balaquio ng University of San Agustin at Bienvenido “Butch” Acevedo ng DILG Regional Office.

Kabilang sa mga inimbitahan dito ay si Mayor John P. Yap at buong konsehales ng Malay, mga Department Heads, DepEd PSDS at Chief of Police ng Malay at Boracay.

Nabatid na layunin ng nasabing evaluation na malaman kung aktibo ang mga namumuno sa bawat departamento ng LGU Malay.

Kabilang pa sa ginawang evaluation ay ang pag-iikot sa field at sa ilang kabaranggyan sa Malay para bisitahin ang mga nagawang proyekto sa ilalim ng panunungkulan ng mga ito.

Kasama rin sa pinuntahan ng RAT kahapon ng hapon ay ang mga tulay sa ilang barangay at maging ang isla ng Boracay.

Samantala, inaasahan namang magkakaroon ng magandang resulta ang dalawang araw na Evaluation ng RAT bukas.

No comments:

Post a Comment