YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 17, 2014

Ika-65th Foundation Day ng Malay, matagumpay na idinaos

Posted June 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Photo: Happy 65th Malay Day!Matagumpay at masaya.

Ganito inilarawan ng mga residente sa bayan ng Malay ang pagdiriwang ng 65th Malay Foundation Day kahapon.

Ilan kasi sa mga ibinidang aktibidad rito ang muling pagharurot ng ilang grupo ng mga motorista sa Boracay bilang bahagi rin ng pagdiriwang ng Philippine Independence Day.

Nabatid na nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidad ang Local Government Unit ng Malay (LGU) sa ika-12 hanggang sa mismong araw ng Malay Day, Hunyo a-15.

Nagkaroon din ng Job Fair, Malaynon Marathon at Thanks Giving Mass bilang bahagi ng nasabing selebrasyon.

Muli ring isinagawa ang Environmental Program sa Hunyo, kung saan lahat ng municipal employees ay kasali sa seedling at polling activities.

Samantala, nagpapasalamat naman ang LGU Malay sa mga nakibahagi at sumuporta sa nasabing selebrasyon.

No comments:

Post a Comment