YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 10, 2014

Isa, dead on the spot sa pamamaril sa Nabas, Aklan; Brgy. Kapitan at iba pa, sugatan

Posted June 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isa ang dead on the spot habang sugatan ang isang barangay kapitan at iba pa sa pamamaril sa Unidos, Nabas, Aklan kagabi.

Ayon kay SPO4 Crispin Calzado ng Nabas PNP, kaagad binawian ng buhay ang biktimang si Ropel Berondo 36 anyos, matapos tamaan ng bala sa mukha.

Sugatan din ang kapatid nitong si Unidos Barangay Captain Dante Berondo, 46 anyos, Victor Velasco, 42 anyos, Joel Sajise, 44 anyos, Lhar EJ Sajise, 12 anyos, Lester Yvan Sajise, 14 anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Base sa imbistigasyon, naglalaro sa isang bilyaran doon ang mga biktima nang dumating ang suspek na si Johnson Columbres at pamangkin nito, at walang habas na nagpaputok ng baril.

Kaagad namang tumawag ng SOCO o Scene of the Crime Operatives ang Nabas PNP kung saan narekober ang sampung basyo ng armalite rifle at isang bala ng shotgun.

Samantala, dinala naman sa isang punerarya ang bangkay ni Ropel para sa isang autopsy examination habang isang manhunt operation ang ikinasa ng mga kapulisan upang mahuli ang suspek.

Inaalam naman ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril.

No comments:

Post a Comment