YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 11, 2014

LGU Malay, sasailalim sa Evaluation ngayong araw

Posted June 11, 2014
Ni Jay-ar  M. Arante, YES FM Boracay

Sasailalim sa isasagawang Evaluation ang LGU Malay ngayong araw para sa Seal of Good Local Governance.

Ito ang kinumpirma ni Malay SB Secretary Concordia Alcantara matapos ang isinagawang session nitong Martes.

Aniya, isang grupo ng Regional Team ang inaasahang mag e-evaluate sa mga Department Heads ng LGU Malay kasama na ang Sangguniang Bayan.

Kasabay nito, magpapatuloy parin ang isasagawang Session ngayon para talakayin ang mga nakabinbin na usapin.

Maliban dito dalawa pang bayan sa Aklan ang inaasahang e-evaluate ng nasabing grupo kasama na ang Bayan ng Kalibo.

Ang nasabing Evaluation ay mag-uumpisa ngayong alas-otso ng umaga at magtatapos bukas.

Samantala, pinangunahan ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG), Philippine National Police (PNP) at University of San Agustin (USA) ang Evaluation.

No comments:

Post a Comment