YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 20, 2014

Mga contractors sa Boracay, nais dumalo sa assembly meeting kaugnay sa suplay ng aggregates sa isla

Posted June 20, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay 

Nais umanong dumalo sa assembly meeting kaugnay sa suplay ng aggregates sa isla ang mga contractors sa Boracay.

Ito ang sinabi ni BMSL o Boracay Malay Sea and Land Haulers Multi-Purpose Cooperative Chairman Edgar Marasigan Jr., kaugnay sa kanilang naunsyaming pakikipagdayalogo kay  Aklan Governor Joeben Miraflores.

Plano na naman umano kasi nilang magpatawag muli ng assembly meeting kung ano ang susunod na hakbang ng kanilang kooperatiba.

Ayon pa kay Marasigan, may mga priority appointments pa ang gobernador kung kaya’t hindi na naman nai-schedule ang kanilang hiling na pakikipagdayalogo.

Samantala, sinabi pa ni Marasigan na umaasa parin silang matutuldukan na ang kanilang problema tungkol sa kakulangan ng suplay ng aggregates sa Boracay.

Magugunita namang nagdeklara ng moratorium si Aklan Governor Miraflores sa mga quarrying activities sa probinsya na inalmahan ng nasabing kooeratiba.

No comments:

Post a Comment