YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 18, 2014

MOA signing para sa BPAI, nasa floating status parin

Posted June 18, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nakalutang o nasa floating status parin ang MOA signing para sa BPAI o Boracay Photographers Association Inc.

Ayon kasi sa opisina ng BTRTF o Boracay Redevelopment Task Force, may mga barangay pa dito sa isla ang hindi pa nakakapagpirma ng sulat base sa napagkasunduan sa ipinatawag na pagpupulong nitong nakaraang Miyerkules.

Ayon pa sa BRTF, nakipag-ugnayan na rin sila sa BPAI kaugnay sa mga ahensiyang kasali sa MOA na nakapagpirma na sa MOA.

Nabatid na kasali sa nasabing kasunduan ang tatlong barangay sa isla maliban pa sa BFI o Boracay Foundation Incorporated, Department of Tourism-Boracay sub office, Municipal Auxiliary Police, at ang mismong mga taga Korean-Chinese-Taiwan Tour Agency.

Magugunitang isang MOA o memorandum of agreement ang iminungkahi ng BRTF sa mga taga BPAI upang maestablisa ang isang mabuting relasyon sa pagitan nila at ng mga photographers na hawak ng nasabing ahensiya.

No comments:

Post a Comment