YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 10, 2014

Nakatakdang MOA signing sa pagitan ng BPAI at ilan pang photographers sa isla, sinuspende ng BRTF

Posted June 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sinuspende ng BRTF ang nakatakdang MOA signing sa pagitan ng mga taga BPAI at ilan pang photographers sa isla.

Ayon kasi kay Boracay Photographers Association Inc. (BPAI) Secretary /Treasurer Arnel Mabutol.

May iskedyul para sa isang inspeksyon ang Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) bukas ng umaga, kung kaya’t nire-schedule naman bukas ng hapon ang para sa BPAI.

Magugunitang iminungkahi ng BRTF sa BPAI ang isang MOA o memorandum of agreement, upang maestablisa ang isang mabuting relasyon sa pagitan nila at ng mga photographers sa isla na hawak ng mga foreign agencies.

Ayon pa kay Mabutol, naihanda na rin ng BRTF ang imbitasyon para sa mga taga Korean-Chinese-Taiwan Tour Agency para sa nasabing kasunduan bukas.

No comments:

Post a Comment