YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 04, 2014

(Update) Taiwanese na nalunod sa Boracay nitong Sabado, hindi na nabigyan ng first aid bago binawian ng buhay

Posted June 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Hindi na nabigyan ng first aid bago binawian ng buhay ang Taiwanese na umano’y nalunod sa Boracay nitong Sabado.

Ayon kay Jerwin Sanggalang, dive master ng Sharky Diving na kasama ng biktima.

Bumubula na umano ang ilong at bibig ng Taiwanese kung kaya’t kailangan na talaga itong dalhin sa ospital sa halip ng first aid.

Ayon pa kay Jerwin, tumawag pa sila ng speed boat upang mapabilis ang pagdala sa biktima sa ospital, subali’t hindi na umano ito umabot sa pagamutan.

Samantala, sinabi pa ni Jerwin na nagpaabot na sila ng tulong sa pamilya ng nalunod na Taiwanese.

Kinumpirma naman ng DOT o Department of Tourism Sub-Office Boracay na patuloy pang pinoproseso ang mga dukumento para sa bangkay ng biktima.

No comments:

Post a Comment