YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 09, 2014

10 Australian journalists, binisita ang Boracay

Posted July 9, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay

Binisita ng sampung Australian journalist ang isla ng Boracay hindi upang e-cover ang baha kungdi ang e-promote ang isla sa kanilang bansa.

Ayon kay DOT Boracay Officer in Charge, Tim Ticar, dumating kahapon ng hapon ang sampung Australian journalist bilang isa sa mga katuwang ng DOT sa pagpapalago ng turismo sa bansa lalo na’t isa rin umano ang mga ito sa may mataas na bilang na bumibisita sa Boracay.

Anya, ang nasabing hakbang ng DOT ay nagpapatuloy, kung saan sinisikap umano ng kanilang ahensya ang makipag-ugnayan sa ibang bansa nang sa gayon ay mas makilala pa ang Boracay bilang isa sa mga “premiere beach destination.”

Samantala, nagpapasalamat naman umano si Ticar na hindi gaanong lumakas ang ulan sa isla dahil sa nagdudulot ito ng mga pagbaha sa ilang mga lugar dito.

Kasabay nito, nagpasalamat din ito sa mga sumusuporta sa kanilang programa at muling hinihikayat ang publiko maging ang mga bakasyunista na sundin ang mga alituntunin na ipinapatupad ng pamahalaan para sa ikabubuti ng lahat lalo na ng Boracay.

Umaasa naman ang DOT na agad na masosolusyunan ang isyu ng mga pagbaha sa isla.

No comments:

Post a Comment