YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 14, 2014

3 lalaki sa Boracay, nagsuntukan; hinuli ng security guard

Posted July 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Hinuli ng isang security guard ang tatlong kalalakihan matapos na umano’y magsuntukan at magkagulo sa Sitio Diniwid Balabag Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station, alas dos kahapon ng hapon habang nag-iinuman ang tatlo sa nasabing lugar nang maganap ang isang komosyon na nagdulot ng pangamba sa ilang residente malapit doon.

Ito’y matapos na masugatan ang isa sa tatlo na nakilala kay “Renel” dulot ng nasabing suntukan.

Sinasabi namang dahil sa sobrang kalasingan at hindi pagkakaintindihan kaya nagsuntukan ang mga ito.

Samantala, matapos ang medical examination sa Boracay Hospital ay pansamantala munang ikinustodiya sa Boracay PNP Station ang tatlo para sa kaukulang disposisyon.

No comments:

Post a Comment