YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 24, 2014

American national at bouncer ng isang bar sa Boracay, nagsuntukan

Posted July 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pasa ang inabot ng isang American national matapos na magsuntukan sila ng bouncer ng isang bar sa Boracay.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station, nag-ugat ang nasabing komosyon nang pagbawalan di umano ng bouncer na si Jhonny Bogoy, 32 anyos ang amerikanong si Rodney Terry, 40 anyos na dalhin ang bote ng beer sa dance floor.

Dahil dito, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa suntukan at dahilan para magkagulo sa nasabing lugar.

Samantala, saad naman ng kasintahan ng amerikano na si Vanesa Lee, 29 anyos nasa apat hanggang anim na katao di umano ang humahawak sa kanyang nobyo habang binubugbog ng bouncer.

Kaugnay nito, muli namang dumulog sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang turista at nagpahayag na hindi na ito intresado magsampa ng kaso sapagkat humingi na sa kanya ng paumanhin ang nasabing bouncer.

No comments:

Post a Comment