YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 14, 2014

Boat Captain, nawalan ng 2 generator sa Boracay

Posted July 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagpa-record sa Boracay PNP Station ang isang Boat Captain matapos na umano’y mawalan ng dalawang generator sa Boracay.

Ayon sa sinabi ng Boat Captain na si Pedrito Magcalayo, 29 anyos ng Sta. Fe Romblon sa mga taga Boracay PNP, dumaong ito alas dyes kagabi sa harapan ng isang resort sa Balabag Boracay at umuwi muna sa kanilang bahay upang maghapunan.

Nang sa kanyang pagbalik, ay nabigla na lamang di umano ito nang maratnang nakakalat na ang kanyang mga gamit at nawawala na ang dalawang generator na naiwan sa motorbanca.

Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga taga Boracay PNP Station hinggil sa nasabing pangyayari.

No comments:

Post a Comment