YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 29, 2014

Boracay Blood Donors, pinasalamatan ng PRC Aklan

Posted July 29, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Pinasalamatan ng PRC o Philippine Red Cross Aklan Chapter ang lahat ng mga Boracay Blood Donors.

Sa ginanap na joint-blood donation activity ng Philippine Red Cross, Panay Andok’s Corporation, Boracay Water, YES FM at Easy Rock Boracay kanina, sinabi ni Melanie Rojo ng PRC Aklan Chapter na masaya sila sa naging tugon ng mga nasabing blood donors.

Nakapagtala kasi sila ng 84 na successful blood donors mula sa 150 na nagdonate ng dugo.

Kasabay nito, muli namang nanawagan ang PRC sa lahat ng mga interesadong magdonate ng dugo na makipag-ugnayan o pumunta sa Philippine Red Cross Aklan Chapter sa bayan ng Kalibo.

Samantala, naging masaya naman ang mga nasabing blood donors sa kanilang pagbahagi ng kanilang dugo sa Philippine Red Cross.

Nabatid na kaugnay sa selebrasyon ng blood donors month ngayong buwan ng Hulyo ang nasabing aktibidad.

No comments:

Post a Comment