YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 01, 2014

Boracay, inalerto ng BFRAV kaugnay sa pagdiriwang ng Fire and Disaster Consciousness Month

Posted July 1, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Inalerto ng BFRAV kaugnay sa pagdiriwang ng Fire and Disaster Consciousness Month ang isla ng Boracay.

Ayon kay Hugh Raddi Isagan ng BFRAV o Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers.

Pinatunog nila kaninang umaga ang sirena ng kanilang mga fire truck, ambulansya, at boom truck mula Cagban papuntang Yapak.

Ayon naman kay Boracay Action Group (BAG) Adviser/Consultant Leonard Tirol, taun-taon nilang ipinagdiriwang ang Fire and Disaster Consciousness Month sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kumunidad sa isla na maging maingat sa sunog at anumang sakuna.

Nabatid na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo ang National Disaster Consciousness Month sa bisa ng Presidential Executive Order No. 137 bilang tugon ng pamahalaan sa pagpapabuti ng seguridad at kapakanan ng mga mamamayan.

No comments:

Post a Comment