YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 21, 2014

Commissioning para sa drainage pump ng TIEZA, naunsyami

Posted July 21, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 

Naunsyami ang nakatakda sanang commissioning o pagkokondisyon drainage pump ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Bagamat’t tumanggi munang magbigay ng pahayag si TIEZA Contractor Engineer Willy de Guzman kaugnay dito.

Nabatid naman na dalawang pump pa lamang mula sa tatlong drainage pump ang na assemble o nakabit na nitong nakaraang linggo.

Base naman sa impormasyon, kulang ang piyesa ang nasabing pump kung kaya’t dalawa pa lamang ang naikakabit.

Kasalukuyang pinamamadali na rin ng LGU Malay at BFI o Boracay Foundation Incorporated ang nasabing proyekto upang masolusyunan na ang nararanasang pagbaha sa isla.

Napag-alamang para lamang sa phase 1 ng drainage project ang pumping station kung kaya’t ang mga lugar na apektado ng pagbaha mula sa D’mall hanggang Boracay Holiday Resort at Boracay Regency area lamang ang makakabenipisyo nito.

No comments:

Post a Comment