YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 29, 2014

Construction worker, natagpuang patay sa loob ng barracks sa Boracay

Posted July 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isang construction worker ang natagpuang patay sa loob ng barracks sa Manoc-manoc Boracay nitong Linggo, Hulyo 27.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, humingi ng tulong ang iba pang mga kasamahan ng biktima na si Arcadio Depuno, Jr. 21 anyos ng San Jose Del Monte Bulacan matapos malamang hindi na ito humihinga habang nakahiga sa loob ng kanilang barracks sa So. Bung-aw, Manoc-manoc, Boracay.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, humiga sa kanyang silid si Depuno ala una ng madaling araw nitong Linggo matapos makipag-inuman sa kanyang mga kasamang construction workers.

Alas 6:45 ng umaga naman nang gisingin ito ng kanyang mga kasamahan subali’t hindi na umano ito humihinga.

Samantala, sa isinagawa namang pagsusuri ng SOCO Boracay, nabatid na hindi nakitaan ng foul play at natural ang pagkamatay ng nasabing construction worker.

Kasalukuyan paring nasa Prado Funeral Homes ang bangkay ng biktima habang inaantay ang pagdating ng kanyang pamilya.

No comments:

Post a Comment