YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 22, 2014

Dalawang turista sa Boracay, nalunod

Posted July 21, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Dalawang turista sa Boracay ang nalunod.

Sa kasagsagan ito ng malakas na hangin at malalakas na alon dulot na rin ng Habagat.

Una rito ang 17 taong gulang na biktima na nakilalang si Jayservill Perez ng Imus, Cavite.

Ayon sa report, kaagad sumaklolo ang isang wind surfer doon nang mapansin niyang nalulunod na lagpas sa flagged area ng dagat sa station 2 ang biktima.

Kaagad ding sumaklolo ang mga taga Municipal Auxiliary Police, Red Cross life guard, at mga pulis Boracay na naka duty doon at dinala ito sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo.

Nangyari ang insidente kaninang tanghali.

Samantala, isinugod din sa isang ospital ang isa pang biktima na si Rachel Gomez, 14 anyos at isang Ethiopian National.

Mapalad naman itong nailigtas mula sa pagkalunod nang makita ng isang Life guard ng Paradise Garden Resort.

Naliligo din umano ito sa kasagsagan ng malakas na hangin at alon bandang alas 2:00 nitong hapon nang mangyari ang insidente.

No comments:

Post a Comment