YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 16, 2014

Ilang bamboo wave breakers sa station 1, natanggal dahil sa malakas na alon

Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Dismayado ngayon ang ilang station 1 establishments sa sinapit ng kanilang inilagay na bamboo wave breakers.

Bumigay kasi ang mga ito at tinangay ng malakas na alon dulot ng high tide at malakas na hangin.

Wala namang nagawa ang mga nasabing establisemyento kungdi bantayan ang mga bamboo wave breakers na halos paisa-isang natatanggal dahil sa alon.

Ayon naman sa ilang nakakitang residente, mababaw lang talaga ang pagkakabaon ng mga nasabing wave breakers kung kaya’t madali itong natanggal.

Nabatid naman sa BRTF o Boracay Redevelopment Task Force na wala namang standard na sukat kung gaano dapat kalalim ang pagbaon sa mga nasabing bamboo wave breakers.

No comments:

Post a Comment