YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 10, 2014

Lalaki, pinagtulungan umanong bugbugin sa isang Bar sa Boracay

Posted July 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinagtulungan umanong bugbugin ang isang lalaki na si Ian Flores, 19-anyos ng Poblacion Nabas, Aklan sa isang Bar sa Boracay kaninang alas-ona ng madaling araw.

Base sa report ng Boracay PNP, pumunta umano itong biktima sa bar sa station 1 para kunin ang kaniyang Universal Serial Bus (USB) sa isang DJ doon.

Ngunit laking gulat nito ng takutin siya ng kaniyang inirereklamong DJ kasabay ng pagsuntok sa ibat-ibang parte ng kaniyang katawan partikular sa ulo nito.

Lumabas din sa embistigasyon na isa pang waiter sa nasabing bar ang tumulong para bugbugin siya kung saan higit na apektado dito ay ang kaniyang kaliwang pisnge.

Nilinaw naman ni Flores na nagkaroon sila ng mainit na alitan ng naturang DJ sa pamamagitan ng text message.

Dahil dito ang nasabing insidente ay mas minabuting idulog ng Boracay PNP sa Brgy. Justice System ng Brgy. Balabag.

No comments:

Post a Comment