YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 16, 2014

Maintenance para sa mainroad ng Sitio Ambolong, Manoc-manoc, itinuro sa LGU Malay at environmental fee

Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Itinanggi ngayon ng DPWH o Department of Public Works and Highways ang maintenance para sa mainroad ng Sitio Ambolong, Manoc-manoc.

Ayon kay DPWH Maintenance Engineer Neri Miranda, hindi sa kanila ang kalsada doon kung kaya’t sa LGU Malay na dapat ang anumang maintenance para doon.

Sa kabila ito ng paniniwala ng mga residente ng isla na ang provincial government dapat ang umaksyon dapat sa kung anumang problema ang nararanasan sa nasabing bahagi ng Barangay Manoc-manoc.

Ayon pa kay Miranda, may environmental fee naman na maaaring magamit para sa maintenance ng binabahang kalsada.

Samantala, magugunita namang sinabi ng taga DPWH na inako umano ng LGU Malay ang pagpapagawa naman sa access road papuntang Boracay Police Station.

No comments:

Post a Comment