YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 16, 2014

Malakas na hangin dulot ng Bagyong Glenda, naramdaman din sa Boracay

Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Naramdaman din kagabi sa Boracay ang malakas na hangin dulot ng Bagyong Glenda.

Sa kabila ito na wala naman sa listahan ng PAG-ASA na may mga storm signal ang probinsya ang Aklan.

Katunayan, sa isang ocular inspection ng YES FM Boracay, kapansin-pansin ang ilang billboards na tumumba at may mga nilipad din ng hangin sa kalsada.

Naranasan din ang pagpatay-sindi ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng isla simula kagabi hanggang kaninang umaga.

Samantala, kinumpirma naman ng Coastguard Caticlan at Boracay detachment na balik sa normal ang biyahe ng bangka matapos itong kanselahin ng kagabi dahil sa malakas na alon at hangin.

No comments:

Post a Comment