YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 28, 2014

MS the World dadaong na sa Boracay ngayong araw

Posted July 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dadaong na ngayong araw sa isla ng Boracay ang isa sa pinakamalaking barko sa buong mundo na MS the World.

Sakay nito ang daang-daang mga turista kabilang na ang mga crew na mula sa bansang Norway.

Inaasahang dadaong ito alas-nueve ng umaga sa kalagitnaan ng karagatan ng Boracay ilang kilometro mula sa Cagban Jetty Port kung saan naman bababa ang mga sakay nito.

Nabatid na mag o-overnight ang nasabing barko para magkaroon ng mahabang oras sa pag-iikot sa isla ang mga sakay na turista at crew nito.

Ayon naman sa Jetty Port Administration mahigpit umano ang ipapatupad na seguridad ng pamunuan ng barko para sa mga aakyat na media at ilang bisita sa nasabing cruise ship.

Samantala, ang isla ng Boracay ay isinusulong ng Department of Tourism (DOT) bilang cruise ship destination sa bansa.

No comments:

Post a Comment