YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 22, 2014

Pagdaong ng MS the World sa Boracay ngayong darating na Lunes, inaabangan na

Posted July 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaabangan na ang pagdaong ng cruise ship na MS the World sa isla ng Boracay ngayong darating Lunes.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, darating ito alas 9:00 ng umaga sa karagatan ng Boracay sakay ang mga turistang mula sa ibat-ibang bansa.

Aniya, mag o-overnight ang nasabing barko para magkaroon ng mahabang oras ang mga sakay nito sa pamamasyal sa isla.

Nabatid na isang pagpupulong naman ang inaasahang isasagawa sa pangunguna ng provincial government at iba pang ahensya sa pagdating ng nasabing barko.

Dito inaasahang ilalatag kung anong paghahanda ang kinakailangang gawin lalo na ang pagpapaigting ng seguridad katulad ng ginawa sa mga naunang barkong bumisita sa isla ng Boracay.

Samantala ang MS the World ang siyang ika-apat na barkong dadaong sa karagatan ng Boracay ngayong taong 2014.

No comments:

Post a Comment