YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 08, 2014

Pagkakaroon ng fire truck ng Malay, pina-follow up pa rin

Posted July 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kasalukuyan paring pina-follow up ang pagkakaroon ng sariling fire truck ng Malay.

Ayon kay Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) V Mark Delos Reyes, sinisikap ngayon ng kanilang tanggapan na hanggat maaari ay mabili agad ang nasabing fire truck dahil kailangan talagang may mabilisan na responde sakaling may mangyaring sunog sa bayan o mainland Malay.

Samantala, nabatid na ang fire truck ng TransAire sa Caticlan Airport ang nagsisilbing responde sa tuwing may sunog sa mainland Malay.

Matatandaan din na unang hiniling ni Malay Mayor John Yap sa Committee on Budget and Appropriation ng SB Malay na maglaan ng pondo na P 3, 229. 424.20 para sa pagbili ng naturang fire truck.

Ngayong buwan naman, sinabi din ni delos Reyes na naka line up na rin ang iba’t-ibang aktibidad ng MDRRMC-Malay kaugnay sa National Disaster Consciousness Month.

No comments:

Post a Comment