YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 16, 2014

PCG, sinuspende ang mga sea sports at island hopping activity sa Boracay dahil sa Bagyong Glenda

Posted July 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Ipinag-utos ngayon ng PCG o Philippine Coastguard ang pagsuspende sa mga sea sports at island hopping activity sa Boracay dahil sa Bagyong Glenda.

Naging ‘zero visibility’ umano kasi ang dagat dahil sa makapal na buhos ng ulan  dulot ng nararanasang sama ng panahon.

Samantala, patuloy namang nakaalerto ang PCG Caticlan Boracay at Caticlan kaugnay sa pinakahuling estado ng nasabing bagyo.

Nabatid na marami na ring klase sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Kamaynilaan ang sinuspende dahil sa public storm warning signal na inilabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAG-ASA.

No comments:

Post a Comment