YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 17, 2014

TREU maaaring ipatawag ng SB Malay para isang committee hearing

Posted July 17, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Maaaring ipatawag ng SB Malay ang Tourism Regulatory Enforcement Unit (TREU) para sa isang committee hearing sa Lunes.

Ito’y kaugnay sa umano’y pang ha-harass ng TREU sa mga nag-tatrabahong foreign tour guide sa isla ng Boracay.

Sa ginanap na SB Session nitong Martes sinabi ni SB Member Rowen Aguirre sa kaniyang privilege speech na nakatanggap siya ng ilang reklamo dahil sa umano’y maling pagtrato sa mga foreign tour guide.

Maliban dito mayroon ding lumalabas na balita na sinisingil pa umano ang mga ito ng hindi otorisadang tao dahil sa kanilang mga nagawang violation sa isla.

Dahil dito napagdesisyunan ng SB Malay na magsagawa ng pagpupulong para malaman kung ang nasabing problema ay may katutuhanan o kung sino ngaba ang nagsasabi ng totoo o hindi.

Nabatid na nais ding malaman ng SB sa pamamagitan ng committee hearing kung ang mga nagrereklamong tour guide ay mayroong permit para sa kanilang operasyon o kung sila ay mga ilegal na tour guide na pakalat-kalat sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment