YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 25, 2014

6 wheeler-water tank ng isang construction company sa Numancia, Aklan, tumagilid; mga sakay na trabahador, sugatan

Posted August 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay


Isang 6 wheeler-water tank ng isang construction company ang aksidenteng tumagilid sa highway ng Numancia, Aklan, kahapon ng hapon.

Ayon kay PO2 Felizardo Navarra Jr. ng Numancia PNP, nawalan ng kontrol hanggang sa tuluyang tumagilid ang nasabing water-tank nang hindi nito nakayanan ang puwersa ng laman nitong tubig habang lumiliko sa kurbada.

Dahil dito, sugatan at kaagad namang isinugod sa pagamutan sa bayan ng Kalibo ang 12 trabahador nitong sakay na napilitang tumalon sa kalsada.
Ayon pa kay Navarra, aakuin umano ng construction company ang gastusin-medikal ng mga nasugatang trabahador.

Samantala, nasa kostodiya ngayon ng Numancia PNP ang nasabing water tank habang pinaghahanap parin ang drayber nitong tumakas matapos ang insidente.

No comments:

Post a Comment