YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 26, 2014

Babaeng masahista, sinuntok ng among babae sa Boracay

Posted August 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Suntok ang inabot ng isang babaeng masahista mula sa kanyang among babae na may-ari ng isang Spa sa Boracay kahapon ng tanghali.

Ito ang reklamo ng biktimang si Levi Luna 34-anyos ng Davao City sa Boracay Police Station.

Ayon kay Luna may namagitan umanong mainit na argumento sa kanilang dalawa ng kanyang amo na kinilalang si Maricel Conception ng Sitio. Bolabog Boracay.

Sinabi ng biktima na nilapitan umano sya ng kanyang amo habang ito’y nasa kanyang trabaho at sabay siyang sinuntok na tumama sa kanyang kaliwang braso.

Nagdesisyon naman ang Boracay PNP na idulog na lamang ang nasabing insidente sa Brgy. Justice System.

No comments:

Post a Comment