YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 11, 2014

BFRAV, pinarangalan ng Bureau of Fire

Posted August 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Masayang tinanggap ng mga taga BFRAV o Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteers ang kanilang sertipiko mula sa Bureau of Fire.

Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony ng Boracay Action Group nitong umaga, nabatid na pinarangalan ang BFRAV dahil sa kanilang dedikasyon at suporta sa adbokasiya ng Bureau of Fire Protection Unit Boracay.

Maliban sa certificate of appreciation, binigyan din ng certificate of commendation ang ilang miyembro ng BFRAV sa pagdala nila ng karangalan para sa Boracay sa ginanap na Boracay Fire Olympics-provincial level nitong nakaraang buwan sa bayan ng Kalibo.

Samantala, kinilala din ng Bureau of Fire Boracay ang kabayanihan ng iba pang miyembro ng BAG katulad ng Municipal Auxiliary Police, Boracay Life guard at Boracay Tourist Assistance Center.

Nabatid na ang Bureau of Fire Boracay ang naging host sa ginanap na flag raising ceremony kanina.

No comments:

Post a Comment