YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 13, 2014

Gusot sa pagitan ng MAP member at isang ginang, naayos na

Posted August 13, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Naayos na umano ang gusot sa pagitan ng MAP member at isang ginang na nagreklamo dahil sa inasal ng nasabing law enforcer.

Ayon kay MAP o Municipal Auxiliary Deputy Chief Rommel Salsona, nakuha na rin ng ginang ang kanilang motorsiklo matapos nitong bayaran ang kanyang violation o paglabag.

Napag-alamang hinuli ng MAP ang ginang dahil sa wala umano itong lisensya at suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Subali’t ipina blotter pala ng ginang sa Boracay PNP ang MAP matapos umano siyang ipahiya sa publiko.

Base sa kanyang reklamo sa pulis, hinabol siya ng MAP habang nagmamaneho, hinila ang kaliwang kamay at minura.

Samantala, nabatid mula sa Boracay PNP na aminado naman ang ginang sa kanyang naging paglabag.

Tumanggi na rin munang magbigay ng pahayag tungkol dito si Salsona.

No comments:

Post a Comment