YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 26, 2014

Kalsada sa harap ng Boracay Hospital, binabaha parin kahit tinakpan na ang ilegal koneksyon

Posted August 25, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Perwisyo at kadiri.

Ganito ilarawan ng ilang motorista sa Boracay ang kalsada sa harap ng Boracay Hospital.

Binabaha parin kasi ito sa kabila ng ginawang aksyon ng mga taga municipal engineer’s office nitong nakaraang linggo.

Magugunitang sinabi ni municipal engineer-officer in charge Engr. Arnold Solano na ininspekyon at tinakpan na ang nakakonektang pipes o tubo doon sa manhole ng nasabing kalsada.

Samantala, nakarating naman sa himpilang ito ang impormasyon na gumawa na naman kahapon ng panibagong koneksyon doon sa manhole ang establisemyentong nagpapalabas ng tubig sa kalsada sa harap ng Boracay Hospital.

No comments:

Post a Comment