YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 13, 2014

Kaukulang pondo para sa pagsasaayos ng circumferential road sa Boracay, pinag-uusapan na sa SP Aklan

Posted August 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Masusing pinag-uusapan sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang pagkakaroon ng kaukulang pondo para sa pagsasaayos ng circumferential road sa Boracay.

Sa ginanap na 27th Regular Session ng SP Aklan kaninang umaga, isinusulong ni SP Member Esel Flores ang resolusyon na humihiling kay Congressman Teodorico Haresco na asikasuhin ang kaukulang pondo para sa pagsasaayos ng mga kalsada sa isla.

Nabanggit dito ang pagsasaayos ng mga drainages at sewerage manholes lalo na’t patuloy ang pagdagsa ng mga lokal at dayuhang mga turista na bumibisita.

Ito’y bahagi narin umano ng paghahanda sa nalalapit na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa susunod na taon.

No comments:

Post a Comment