YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 14, 2014

Motorsiklong naka-park sa gilid ng kalsada ninakaw

Posted August 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ninakaw umano ang isang motorsiklong naka-park sa gilid ng kalsada ng Sitio. Pinaungon Brgy. Balabag Boracay kagabi.

Sa police report ng Boracay PNP kinilala ang nagrereklamong si Shirley Diadula 39-anyos ng nasabing lugar.

Nabatid na ipi-nark umano ng kaniyang live in partner ang motor sa gilid ng kalsada malapit sa kanilang bahay.

Ngunit laking gulat ng mga ito ng paggising nila kinaumagahan ay wala na ang isa sa tatlo nilang motor na naka-park doon.

Agad naman nilang hinanap ang nawawalang motorsiklo ngunit bigo silang makita ito, kung kaya’t minarapat nilang lumapit sa Boracay PNP.

Sa ngayon patuloy naman ang ginagawang imbistigasyon ng mga kapulisan na nababahala din sa sunod-sunod na nakawan sa isla.

No comments:

Post a Comment