YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 14, 2014

Operasyon ng Aerospace sa Boracay, aprobado na sa SB Malay

Posted August 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

File:London Air Ambulance G-EHMS.jpgAprobado na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang operasyon ng Aerospace na Air Ambulance para sa APEC Summit 2015 sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos na maaprobahan sa 3rd and final reading sa 23rd SB Regular Session ng Malay kahapon ng Martes ang kanilang mga inilatag na dokumento sa SB.

Napag-alaman na matagal din ang naging deliberasyon at pag-aaral ng LGU Malay para dito bago nila pahintulutang mag-operate ang Aerospace sa isla.

Samantala, isang committee hearing din ang isinagawa ng SB Malay sa pangunguna ni SB Member at Chairman ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero para tiyakin kung ito ay isang mabisang paraan at higit na kakailanganin para sa APEC Summit.

Sa kabilang banda pinoproseso na rin ng kompanya ng Aerospace ang kanilang kakailangan sa kanilang Air Ambulance operation.

Nabatid na ang Air Ambulance ay isang malaking tulong sakaling mayroong pasyente na kabilang sa APEC ang kinakailangang dalhin sa ilang pagamutan sa mainland.

No comments:

Post a Comment