YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 27, 2014

Pag-aaral ng Daewoo Company sa Boracay-Malay bridge nakalutang parin

Posted August 27, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakalutang parin sa ngayon ang pag-aaral ng Daewoo Engineering and Construction Company sa proposed Boracay-Malay bridge.

Ito ang sinabi ni Vice mayor Wilbec Gelito sa ginanap na ika-25th SB Session ng Malay kahapon ng umaga.

Aniya, hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na resulta matapos nilang bigyan ng pahintulot ang nasabing kumpanya na pag-aralan ang proposed project.

Nabatid na halos ilang buwan na rin ang nakalipas ng sumabog ang balita tungkol sa umano’y pagtatayo ng tulay sa isla ng Boracay.

Napag-alamang lumapit para dito kay Mayor John Yap ang Daewoo, kung saan nag-request naman ang alkalde ng authority sa Committee on Laws at Committee on Public Utilities na pumasok sa isang MOA o Memorandum of Agreement sa Daewoo Engineering and Construction Co. Ltd. para magsagawa ng pag-aaral tungkol sa proposed project.

No comments:

Post a Comment