YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 27, 2014

Sekyu sa Boracay na nanghampas ng baton stick sa isang babae, ikinustodiya sa Boracay PNP

Posted August 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinustodiya sa Boracay PNP Station ang isang sekyu matapos na hampasin ng baton stick ang isang babae sa Boracay.

Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang biktima na Mary Jane Macasero, 22 anyos ng Las Piñas City.

Sumbong ng biktima, kasama nito ang kanyang live in partner na si Jefferson Panagsagan at ang kanilang isang taong gulang na anak na naglalakad pauwi sa kanilang bahay kagabi sa Manoc-Manoc Boracay.

Subalit nang makarating umano sa harapan ng isang resort ay aksidenteng nasagi ni Jefferson ang siko ng sekyu na si Ryan Ningas ng Madalag, Aklan, kung saan nagalit di umano ito na nagresulta naman sa pagtatalo nilang dalawa.

Tangka umanong awatin ng biktima ang pag-aaway subalit bumunot ng baton stick ang sekyu at hinampas ang kanyang live in partner, subalit sya ang tinamaan sa kanang braso.

No comments:

Post a Comment