YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 18, 2014

Sirang access road papuntang Boracay PNP, inaayos na ng LGU Malay

Posted August 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bagamat matagal-tagal ng nakatiwang-wang ang sirang access road papuntang Boracay PNP, sinimulan na rin ito ngayong ayusin ng LGU Malay.

Katunayan matapos ang isinagawang lay-out ng Engineering Office ay tinambakan na rin ito ng lupa at bato para sa muling pagpapasimento ng nasabing kalsada.

Nabatid na hinahabol rin ng LGU Malay ang magandang panahon para sa tuloy-tuloy na proyekto bago ang peak season sa isla Boracay.

Ayon naman kay Malay Officer In-Charge Engineer Arnold Solano, sinimulan umano ang nasabing construction matapos nilang magawa ang program of works para dito.

Napag-alaman na marami ng reklamo ang natanggap ng LGU mula sa mga establisyemento sa nasabing lugar lalo na sa mga dumadaan dito dahil sa masyadong lubak-lubak at binabaha ang daan.

Samantala, ayon naman sa Department of Public Work and High-ways (DPWH) Aklan pinaglaanan na ito ng pondo ng LGU Malay para sa mas mabilis na pag-develop.

No comments:

Post a Comment