YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 19, 2014

Spanish at Singaporean national, ninakawan sa Boracay

Posted August 19, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Naitala na naman ang dalawang kaso ng pagnanakaw sa isla ng Boracay nitong linggo.

Una rito ang nangyaring panghahablot ng cellphone at pagtangay ng pera sa isang Spanish national na si Marc Fradera, 27 anyos ng Barcelona Spain.

Ayon kay Fradera, madaling araw kahapon nang mahiga ito sa beach front ng Station 1 Balabag Boracay habang hawak-hawak ang kanyang cellphone at pitaka nang biglang nilapitan ng hindi kilalang lalaki at hinablot ang kanyang gamit.

Nakuha umano ng suspek ang kanyang iphone 5 na cellphone at perang 530 Euro.

Samantala, humingi din ng tulong sa Boracay PNP si Lin We Xiang, 31 anyos, Singaporean national matapos na ninakawan din ng pera at gamit.

Sumbong ni Xiang, naglalakad ito sa beach front malapit sa isang resort sa Station 1 Balabag Boracay nang biglang sinunggaban ng dalawang lalaki.

Dahil dito, nahulog di umano ang bag ni Xiang na syang agad na pinulot at itinakbo ng dalawang suspek.

Naglalaman naman umano ito ng kanyang cellphone, 100 US Dollar at 2, 100 pesos na cash.

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) hinggil sa mga nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment